Mahal, nagkulang ba ako sa 'yo?
Bakit iniwan mo?
Isip ko'y nagtatanong kung ano ang dahilan ng lahat ng ito
Sana'y pakinggan mo
Oh, kay tagal na akong nasasaktan
May pag-ibig pa kayang makakamtan?
Sana'y malaman mo
Na walang iba sa puso at damdamin ko
Ikaw lang ang siyang laman nitong isipan ko
Lahat man ay magbago
Ikaw lang ang siyang tanging pag-ibig ko
Paano na, masasanay pa kaya ang puso ko
Kung wala ka na
Sa diwa ko laging nadarama alaala mo
Tangan-tangan ako